Friday, June 7, 2013

Sa Ilalim Ng Ulap, Ng Araw at Ng Mga Ibong Lumilipad (2008)


(Isang Pag-alaala sa Buhay-Estudyante)
Nais kong ibahagi ang sanaysay na aking isinulat noon pang 2008.  Umaasa akong kapupulutan niyo rin ito ng inspirasyon at aral. Mahirap maging estudyante... pero masarap. Isa itong yugto ng buhay na punong-puno ng pagkatuto sa pisikal, emosyonal, mental, ispiritwal at sikolohikal na diwa. Seryosong usapan ang pagiging estudyante... pero wag mo naman kalimutan na i-enjoy ito habang andiyan ka pa. Iyan kasi ang bagay na hindi mo na mababalikan pag tapos ka na. Gawin mo ang iyong makakaya para pag lingon mo, wala kang pagsisisihan.
 
Mataas na ang araw sa asul na langit. Tanghali na naman. Male-late na naman ako.

            Nagmamamadali na naman akong lumakad papunta sa sakayan ng Lawton. Hindi ko na nga naisara ang gate namin. Alam ko pagsapit ng mga ala-sais ay himala na lamang ang makapagbibigay sa akin ng pagkakataon para makasakay pa sa pila ng van. Dahil sa malao’t madali pagnakarating na ako, alam ko, ako ang pipila para sa van. Nakakainip. Nakakangalay.

Makikipagtitigan na naman ako sa sapatos ko.

            Kung sa bagay tititigan lang din naman niya ako. Kikindatan kung inip na talaga (yung tipong maglalaro na lamang ang mga daliri ko sa paa para malimutan ang pagkangalay sa pagtayo at pagpila). Laking pasasalamat ko na rin sa kaniya at hanggang ngayon, kahit saan ko pa siya iratsada ay hindi niya ako pinagtatawanan. Ayaw naman niyang sabihin kung kailan niya ako susukuan. Dahil pag nagkagayon, mahirap na. Wala akong dalang extrang perang pambili at kung sakali mang mayroon ay wala naman akong mabibilhan. Sarado pa.

Kung sa bagay may allowance naman. Two and a half hours pa.
           
            Pero matagal talaga. Nabilang ko na rin kung pang ilan ako sa pila. Panglabing-anim. Kung ilan naman kami sa pila, yan ang hindi ko na mabibilang. Nakakailang din namang tumingin pa sa likod. Baka isipin ng iba, tinitingnan ko sila, lalo ng mga office lady at mga kolehiyala. Iisa-isahin na nila ang aking pisikal na anyo— mula ulo hanggang paa. Kikilatisin. Kaya kahit interesado pa ako, wag na lang.

Hindi naman ako natatakot magpakilatis…wala lang ako sa mood.

            Moody kasi akong tao. Lahat idinepende ko ro’n. Kaya may mga panahon na nang-iimbiyerna rin ako sa mga tumititig sa ‘kin. (Minsan ako pa nga ang nangunguna) Pero nakakainis rin. Minsan may mga DOM (deeh-ohw-emh) sa halip na tigilan ako ay nginingitian pa ako. Ayoko din naman silang irapan. Ang lagay ba e parang pa-obvious naman ako na nagpatalo ako sa kanila.

Hindi ko kasi ugaling magpatalo. Malamang sila rin.

            Malala na nga, pagtinabihan pa ako. Patay. Kasi kung hindi niya pilit ibababa ang ulo niya sa balikat ko, dadapo naman ang kamay niya sa hita ko. Sa mga ganoong pagkakataon, kailangan naka alerto na naman ang defenses ko. Dapat sensitive. Ang libro o kaya bag ay nakatakip sa kandungan ko o kaya’y nakasisik sa katabi kong maniac. Para nga naman less contact.Ang pag-upo ko naman dapat medyo nakaslouch o kaya nama’y yung parang malapit nang malaglag sa upuan. Akala siguro ng mga nahuling sumakay e dahil sa generous ako. Kasama na rin yo’n, pero mas priority ko ang sarili ko. At dahil sa feel ko pang maghintay, nakatayo pa rin ako. Yakap ang bag ko.

Pero sa mga ganitong pagkakataon, naiisip ko… nakakapagod talaga  ang mag-hintay.

            Kung sa bagay hindi lang naman van ang hinihintay sa buhay. Marami. May maliit at malaki. Mayroon ding kulay pink, green, yellow at gold. Teka, mayroon bang kulay itim? Palagay ko wala. Lahat naman kasi ng inaantay ay para sa ikabubuti. Para sa ikagiginhawa. Nariyan ang simpleng pag-reply ng mga tinext natin, ang marinig ang mga salitang gaya ng “Salamat” at “Mahal Kita” mula sa mga taong pinahahalagahan natin, ang matapos ang malakas na ulan sa mahaba nitong pananalasa, ang pagbabayad ng mga taong may utang sa atin, ang pagbabalik ng mga mahal natin sa buhay at ang pagkamit ng tagumpay na minimithi natin. Sadyang may mga bagay na masasagot lamang sa pagdaan ng panahon.

At mukhang sinagot na nga. Kung hindi pa ako makasasakay ay huli na talaga ako sa klase.

            Hindi lang naman pila ang susuungin ko, pati traffic. Malayo pa rin ang Cavite sa Maynila. Lalo na pag rush-hour, mas nagiging malayo. Kahapon kasi, napagsabihan kami ng Prof. namin sa Theories of Personality. Mangyari ay hindi lang naman ako ang nale-late, kaya hindi masyadong nakakahiya, pero kahit na, kasi isa ako sa mga laging late at super late (may mga pagkakataon kasing 45 mins na lang ang dadatnan ko sa one and a half hour class namin), kaya sapol talaga ako doon. Nararamdaman daw niyang di namin pinahahalagahan ang subject niya. Unfair daw sa iba na gumigising nang maaga para lamang hindi mahuli sa klase. Samantalang kami, parating nahuhuli.

Unfair?

            Medyo subjective ang pagkakagamit ng salita (sa bagay, kailan nga ba naging fair ang salitang iyon?). Totoo, hindi naman tama ang laging huli sa klase. Pero di hamak na mas maaga naman ang gising ko sa karamihan ng mga kaklase kong hindi nahuhuli sa klase. Malapit lang ang bahay nila. Kahit alas-otso pa sila umalis. Idagdag pa ang mga may access sa LRT at MRT. Mabilis.  

Eto pa ang mas unfair.

            Natural, kung hindi talaga kakayanin ng oras, bakit pa mag-hihintay? Sasakay na  lang ako ng bus. Sayang naman yung pagtayo ko sa pilahan nang matagal. E kung alam ko lang na gano’n pala katagal, e di sana kanina ko pa pinatos yung pagtayo sa bus. Tatayo rin pala ako. Sa bagay, aircon din naman dun. Sige na lang. Pero hindi pa kasi bukas ang isip ko pagdating sa gender-equality. Ang totoo, hindi lang iyon ang isyu, mas angkop ito kung sasabihing physical attractiveness inequality. Kadalasan, yun lang mga magaganda at nakasexy-outfit ang pinapaupo ng mga lalaki. At take note, kahit pouch lang naman ang dala nila.    

Pero kapag nakarating ka na sa paroroonan mo, parang kahit anong hirap na pinagdaanan mo, nawawala na lang…
           
            8:29am. Hindi na masama para maging on time. Aakyat na lang ako papuntang third floor. Di bale nang walang make-up. Ang mahalaga, hindi ako late. Nakapag-ayos naman ako nang kaunti sa bus. (Pagkatapos magbabaan ng mga may pouch at mga nakashades na nagtutulog-tulugan. May bakante nang upuan para sa akin.) Sa wakas nakarating din ako! Kaya magpro-project na lang ako na parang hindi ako naubusan ng kinetic energy sa pagtayo ng halos dalawang oras at pagkapit sa mga hand rails ng bus habang nakikipagsiksikan sa iba pang pasahero. Naalala ko tuloy ang sabi ng Prof. namin sa Acad. Writing, hindi daw mahalaga kung gaano katagal ang ginugol mong panahon sa pagsulat, ang mahalaga daw sa mga mambabasa ay kung paano mo ito epektibong maihahatid sa kanila sa pamamagitan ng pagpili ng salita at pagsasaayos nito sa sulatin.

Hindi naman ako sulatin, ngunit humaharap rin ako sa mga mapanuring mata ng tao.

            At iyon na nga ang mahirap. Hindi naman kasi ito katulad ng pagkilatis ng mga taong nakatingin sa akin sa pilahan. Mas may impact. Nakita ka na nga nila, pag-uusapan pa. Kaya kahit masakit na, dapat nakangiti pa rin; kahit nakakapundi na, maaliwalas pa rin ang mukha. Nakakaiyak din kasi parang pakiramdam ko, dinadaya ko na ang sarili ko. Pero hindi. Dapat, nakangiti pa rin. Gateway daw iyon to professionalism— ang tanggapin ang criticisms nang nakangiti.  

Pero mas mahalaga naman ang self-actualization kaysa professionalism…

            Matatapos rin naman ang araw. Isa lang rin ang tiyak, na pagod na ako at ang pinakahuling makakauwi. Pero hindi pa rin tapos ang paglalakbay. Sabi nga may mga bagay na panahon lamang ang makasasagot. Kailangan lang na matuto tayo ng sining ng paghawak nito— ang bumitaw nang kaunti kapag mahigpit ang pagkakahawak sa atin at ang kumapit dito kapag tila bibigay na ang lakas nito. Hindi na nakapagtataka, na kahit anong layo na ng nalakad ng isa para sa araw na iyon ay hindi pa rin niya makikita ang sagot. Parang ako. Parang ikaw. Minsan, madami na tayong napuntahan, madaming nasubukan, at napagtanungan. Pero bakit hindi pa natin mahanap? Bakit hindi pa rin tayo masaya? Bakit parang wala pa rin tayong nagawa? Bakit hindi pa rin tayo masapatan?

Titingala muna ako saglit, pipikit. Lalanghap ng sariwang hangin.  Asul pa rin naman pala ang kulay ng  langit.

Thursday, June 6, 2013

Tanaw

Hi! I just want to share you the song I wrote last 2008. This has two versions, ballad and full band. I love writing songs. Hope you enjoy!



I.
Kaunti lang naman
Ang kailangan sa buhay
Para maging masaya
Simple lang wag na sanang maging
Mapaghanap…

Maraming tao sa mundo
Iba’t-iba ang nais at hiling…
Alam mo na ba ang sa iyo?

Korus:
Basta ako, mahal kita
Ngiti mo lang kumpleto na…
Ang araw ko, ang buhay…
Isang pag-ibig
Isang pangarap 
Isang dasal
 Ikaw lamang

II.
Ano pa ba ang kailangan
Iba’y naguguluhan…
Ang rurok ba ng ambisyon
Yaman ba na kay riwasa
O tapat na kaibigang daramay sa 
Ginaw ng bagyo?

May alinlangan pa ba sa puso mo
Sa akin ay ‘yong ibulong
Mahahanap natin ang sagot.

Ulitin ang korus liban sa huling linya
Ulitin ang korus

Maaga pa ang paglalakbay
Asahan ang pagsapit niyan
 
Isang pag-ibig
Isang pangarap
Isang dasal
     Ikaw lamang…

 Ulitin ang korus.

Wednesday, June 5, 2013

Cardinal Rules for Conducting Social Skills Training

(Tips for Teachers Handling Children with Behavior Disorders and Emotional Disturbance)



1. Social validation of social skills by target consumer groups is a critical step in both the selection and training skills.

2. Social skills should be taught in academic subject matter using instructional procedure similar to those for teaching basic subjects.

3. Whenever possible, social skills should be taught directly along with possible variations in their appropriate application.

4.   The social context and situation factor both mediate the use of social skills and must be taken into account systematically in facilitating students' use of them.

5. The instructional acquisition of social skills does not guarantee either their application or topographic proficiency within natural settings.

6. There is considerable inertia operating against the behavioral integration of newly taught social skills into students' ongoing behavioral repertoire, as is the case with any newly acquired skills.

7. To be effective, social skills training must be accompanied by the provision of response opportunities, feedback, and insentive systems within natural setting to provide for their actual demonstration and mastery.

8. The critical test of the efficiency of social skills training is the integration of newly taught skills into a students' behavioral repertoire and their use in natural settings.

9. Social skills training procedures are not an effective intervention for complex behavior disorders or problems. They represent only a partial solution and should not be used by themselves to meditate highly aggressive or disruptive behavior patterns.

10. Social skills training can be an important complement to the use of behavior reduction techniques in that it teaches adaptive alternatives to maladaptive or problematic behavior.

11. There are two types of deficits in social behavior adjustments: skill deficit (can't do) and performance deficits (won't do). These deficits should be assessed and treated differently, as they require different forms of intervention for effective remediation.

Source: From "Social skills in school-age and youth: Issues and best practices in assessment and intervention" by H.M. Walker, I. E. Schwarz, M.A. Nippold, L.K. Irvin, & J.W. Noell, 1994,  Topics in Language Disorders, 14. p 79. as cited from Children with Behavior and Emotional Disturbance p. 345 (n.d.)   

Tuesday, June 4, 2013

Working at Megatypers.com

If you are a mother that stays at home, a parent, a student or just someone interested in making money online through data encoding. Megatypers.com is for you.
Megatypers.com is a workforce management that seeks people around the globe to convert scanned document and/or images into editable digital documents. Since this is an online job, Megatypers.com requires you to have a computer with a fast and reliable internet connection.
The work is very simple. All you need to do is to type the letters of the image flashed on the screen. These are called captchas.Typers are expected to have the typing speed of at least 10wpm (words per minute). If you enjoyed typing games and typing skills software, you'll see that it is not too different from them. There you earn point, but here, you earn money.

Registration

There is no registration fee and you can sign-up fast and easy. First, go to: http://www.megatypers.com/register. Enter all the information required. Choose your payment option. I recommend that you choose Paypal since the system of Liberty Reserve is now unavailable. Type 5KIH when it prompts you to enter the Invitation Code. Note that you won’t be able to register unless you enter an invitation code.
Once you're done registering, you can start typing and see how your earning increase each time you type or decode a captcha. You can also be an affiliate as you can create your own invitation code and get more people to join and earn as well.

Payment Options

This step is very important as you can not change the payment option once you have finished the registration process. So, in here you are given a hint of how you can be paid.
If you have chosen PayPal or Webmoney, your estimated balance needs to reach a minimum amount of $3.00 USD before Monday. Every Monday is payout day. Thus, if you want to receive your payment, make sure you earn the required minimum amount stated; otherwise, the amount you earned will be kept on your account until you reach the minimum balance. The payment will then be made on first Monday after reaching the minimum balance. A message with information regarding the payment process will be displayed on your account. If successful, your estimated balance will reset to $0.00 USD.
If you have chosen Western Union, your estimated balance needs to reach the minimum amount of $100.00 USD. Once you have reached the minimun amount, payment will be received on the first Tuesday of the upcoming month. Payment reference number will be emailed to you and you can then collect your payment from the nearest Western Union Office. Same with the latter, your estimated balance will reset to $0.00 USD. Note however that Western Union is charging 14% to 20% of your funds as transfer fee.

Payout Rates

Your earning depends on three things: (1) how many captcha you can decode and type accurately, (2) how fast you type and (3) on what time you work. Rates start from $0.75 for each 1000 words typed and can go as high as up to $1.75 for each 1000 words typed.
The best time to work is from 17:00 to 18:00 of Server Time as this has the highest rate $1.75 per 1000 words typed. You can see the schedule of rates on your profile page once you have an account.

Pieces of Advice

At first, you may feel disappointed and think that 1.75$, although said as the highest rate, is still low because 1000 words or captchas to decode are not that easy to complete. Yet, this is one proof that Megatypers.com is not a scam. It does not promise exagerrated earnings but only a realistic amount. At this time, earning money is a work, and work is a work, not easy but can be enjoyable and rewarding.
When choosing your payment option, first think how of your priority. If you are not used in using Paypal, and that you are more familiar with Western Union, ask yourself if you are willing to wait until your earnings reach 100$ and if their transfer fee is okay to you. If you have no problem with that, then go for it. Think of the pros and cons of each payment option before choosing one.
At times, you'll feel that typing seems endless and that you still have a long way to go before earning your desired amount. Well, quitters never win. Just keep typing and typing. You'll just then be surprised that you have reached the required minimum balance and now ready to receive your earning.
Sounds interesting? Well go ahead and try!

Click this link to register now.