Isang 2:07n.u. ng taong 2007.
Hinahanap niya ako…
Subalit hindi niya ako
makita…
Animo’y
gumagapang ang kaniyang mga daliri. Iniisa-isa ang lahat ng mga papel na
isinuksok sa mga folder, brown envelope at clear file sa kabinet at corner
stand sa loob ng kanilang kwarto. Left to right, mabilis rin ang kaniyang mga
mata. Pero hindi niya alam, na makatlong beses na niya akong muntik nang
makita. Nalalampasan lang niya.
Bakit kaya?
Feeling ko,
kinakabahan siya, na may halong pananabik. Kasi, nakita ko siyang napapangiti
habang hinahanap ako. Paano ba naman, sa akin niya idedepende kung may chance
pa siyang manalo sa patimpalak sa pagsulat na kaniyang sinalihan. Siguro
umaasa, siguro din natatakot…
Nahilig
siya sa pagsulat ng mga tula,
mga awit at mga drama. Ang sinali niya sa patimpalak ay ang nauna. Nahihirapan
daw siya sa sanaysay. Iyon ang sabi niya. Pero palagay ko, may kakayahan rin
siya para doon. Naku, e nakuwento pa nga niya nang teka…isang taon na ata ang
nakakaraan, tama ba? Oo, isang taon na nga yata, mas childish pa siya at
immature (may pinagkaiba ba ang childish at immature? hm…) non’ ha, na pinuri
daw siya ng kaniyang propesor sa Filipino dahil sa kaniyang galing sa paggamit
ng wika upang maipaliwanag ang konseptong umiinog sa kaniyang isipan.
May talent nga pero
minsan tatanga-tanga naman…
Dumaiti
na sa kaniyang hintuturo, nalampasan pa rin. Hoy, bulag ka ba? Pero sa bagay,
hindi lang naman ang mga patong-patong na salansan ng papel ang nagpapahirap sa
kaniya na makita ako. Pati yung mga tambak nilang damit. Nagkandahalong tambak,
na di mo na mawari kung ano ang nagamit na at ano din ang hindi pa. Pambahay,
pang-alis, may punit at wala, bago o luma, pati pa nga ata basahan humalo na. Lahat.
Ang sabi pa nga ng tatay nila, kapag napapapasok siya, na pinaghalong kalamay
ang kwarto nila, na minsan parang inupuan pa daw ng sampung buntis. Pero kilala
ko siya. Ayaw niya nang makalat, magulo. Nakakairita daw kasi ang mga iyon.
Pero totoo naman. Sino ba ang gusto ng makalat ang kwarto di ba?
May ka-share kasi siya ng kwarto.
E
halos maglalabing-siyam na taon na silang nagkakasama rito sa kwarto. Hindi
puwedeng basta-basta na lamang mag-ayos. Iba-iba kasi talaga ang trip ng mga
tao sa pag-aayos ng gamit. Merong nakaladlad na parang pakalat, meron rin
namang super ayos na parang hindi na puwedeng kuhain pa. Parang kahapon,
inaantok pa nga ako noon, nagising lang ako dahil sa boses ng ate niyang
naghahabol na naman ng oras. Tinatawag siya at pinapahanap ang yellow pad na
gagamitin para daw sa M.A. class. Paano ba naman, nagligpit ang lola. Itinabi
ang mga papel, isiniksik kung saan. Ayun, pumasok siya sa kwarto nang
pupungas-pungas, (a kasi, sa sala siya natulog noon) wala pa rin sa tamang
wisyo at nakapikit pa ang isang mata habang hinahanap ang yellow pad ng ate
niya.
Buti nakita. Siya
ngayon, dalawa naman ang mata hindi pa ako makita.
Pero
kahit ganoon madalas ang mga eksenang naririnig ko sa kanila, na hinahanapan ng
ate si dating bunso (may pumalit na sa pwesto niya after 14 years) ng mga gamit
dahil siya ang nagligpit, (at dahil ang ate, hindi nagliligpit) malaki ang
paghanga niya doon. Biruin mo ba namang mag-cum laude ang ate niya. Kahit mga
ninuno ko hindi pa iyon naabot. Kung sa bagay, naabot naman nila ang mga ulap,
matatangkad kasi kaming puno bago naging papel, success na yun, for us.
Kung iba talaga ang nature mo, imposibleng maging success mo ang
success ng iba.
Hindi
ko pa pala nasasabi. Ang isa pang dahilan kung bakit nagpupumilit siyang
hanapin ako ay dahil sa lumabas na ang lit. folio nang nakaraang patimpalak. Nanalo si ate (makiki-ate ako ha?). Naipublish
rin ang kaniyang sanaysay na nagtamo ng unang gantimpala. Yun nga lang wala ang
sa kaniya, kaya ayun, hinahanap niya ako. Ichechek niya kung supposed to be ba
ay naroon rin ang mga isinaling akda para sa taong iyon ng patimpalak. Kung
hindi, may pag-asa, kung wala, I am sorry. (at sori na lang siya)
Nangangarap
rin kasi siyang maging katulad ni ate. Yung nai-pa-publish ang name, inaanounce
sa stage at nakikilala ng marami. Pakiramdam kasi niya, pag ganun, yung parents
niya ay matutuwa din sa kaniya, at matutuwa na din siya sa sarili niya. Ang
babaw pero sa kaniya, mahalaga iyon.
Nakita na niya ako. Hawak na niya.
Siya
ang taong wala pang naipru-prove, kundi maging tao sa likod ng isang anino.
Anino na hindi matatakasan pagkat siya din naman ang nais parisan. Mahirap
makita ang liwanag at ang tanawin sa unahan kung sumisilip ka lamang, nasa
likod at nag-aabang. Sayang, hindi mo
nakita na may iba’t-iba pa palang bagay na maari mong maranasan. Sayang. Nasa
likod ka kasi. Taga-sunod, taga-abang.